Sa pintuan pa lang ay natanaw ko na ang taong tangi kong naging sadya, unti-unti kong binagtas ang kanyang kinaroroonan, sa bawat pagpihit ng aking mga paa ay may tila kabog na kumakalampag sa aking dibdib, kaagad niyang hinawakan ang aking mga kamay, at sa bawat pisil ng kanyang mga daliri ay ang pahiwatig ng nakaraang pagkikita, bahagya akong napabalikwas sa paggapang ng malilikot niyang himas at unti-unti ay ninakaw niya ang aking pagkatao.
larawan mula kay kaibigang google |
Wala na ang pananabik, wala na!
Hindi bale, makawawala rin ako sa hawlang to, alam ko namang minsan ay matatagpuan ko rin ang daan palabas sa ganitong gawain.
Kapag tama na ang dating tinatawag na mali , at kapag sapat na ang aking karanasan upang malaman ko ang tunay na pinagmumulan ng salitang pagnanasa.
Ngunit sana sa panahong iyon ay hindi pa huli ang lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento