Pawis na mula sa pinaghirapan,
Pagod na mula sa hirap ng pinagtrabahuhan.
Pinagsumikapang trabaho para sa pangangailangan,
Pamilyang kailangan ng sapat na lunduyan.
Bawat pahid ng luha sa mga mata,
Katumbas ay tuwa't galak ng buong pamilya.
Bawat gabing pinagpupuyatan,
Katapat ang asam na magandang kinabukasan.
Ngunit kailan magiging sapat,
Ang ibigay mo ang iyong natatanging lahat?
Habambuhay kang kakayod,
Para ang kita sa pamilya'y maging sapat
Kayod kabayo, 'yan ang nararapat.
Kulubot na balat, napapanot na ulo.
Mapupungay na mata, tuyong mga labi.
Humihinang mga tuhod, kamay na nanginginig,
Nanlalabong paningin, garalgal na mga tinig.
Hanggang saan mo kakayanin
Buhatin iyong mga pasanin?
Saan aabot ang pagtanaw mo sa mga bituin,
'Pag dating ng umaga'y di rin naman papalarin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento