Imba talaga ang pagmamahal. Hindi mo alam kung kailan ka tatapikin at sasabihang, "Hello there! Can I crack the egg?" At hindi mo rin mahuhulaan kung kailan nya sasabihin sa iyo, "You say goodbye now." At "What are you gonna catch next time?" Kagaya ng buhay, Love is unpredictable. Hindi 'yan bagyo na malalaman mo kapag malapit na sa'yo. Kasi, wala namang forecaster ang pagibig. In short, walang PAGASA ang mga lovelife natin. Kaya kapag sinalanta tayo ng pagibig, at iniwan ang area of responsibility natin, mahirap. Mahirap magayos ng bahay. Magwalis ng mga nalagas na dahon sa bakuran. At limasin ang iniwang tubig ng baha. Pero na sa atin pa rin kung hahayaan nating maging magulo ang bahay natin-- oo lilinisin ang mga dumi upang makapagsimula ulit-- at makapag entertain ng mga bisita.
Masakit iwan ng pagibig. Nakakaiyak. 'Yung feeling na pakiramdam mo, lahat ng sad love songs ay isinulat para sa'yo? At maiinspire ka na magGM ng mga patamang GM sa ex mo. May mga ipinakikita talaga na nasasaktan sila. At may mga nagtatapang tapangan naman na ipinakikita na kunwari eh wala lang sa kanila ang lahat. Pero kapag sila na lamang magisa, nag eemote sa dilim. Tapos habang nasasaktan ka pa, sasabihin mo sa sarili mo na hindi ka na ulit magmamahal para hindi ka na masaktan. Pero pagkatapos ng ilang linggo, buwan at taon, ayan na naman si pagibig, at makakalimutan mo na sinabi mong hindi ka na iibig. Hay, pagibig nga naman. Hindi mapigilan. Badtrip diba?
Now here I go, hurt again. 'Cause of my curiosity. Now that it's over, what else could it be, he has has to cheat.
Hindi napipigilan pagibig. Hindi mo kasi nakikita, kaya hindi mo maiwasan. Hindi mo alam kung ito na ba, kaya madalas, nalilinlang ka. Hindi ng pagibig, kundi ng mga sarili mong desisyon. Nilalapitan lang naman tayo ng pagibig eh. Hindi nya tayo pinipilit na kumagat sa bitag. Minsan, sadyang may mga taong balak lang talagang manloko, o walang mapagtripan kaya ikaw na lang ang pagdidiskitahan. Pero ang malas mo, sa'yo pa napiling lumapit. At ikaw si tanga, tangap ng tanggap. Meron rin namang mahal ka sa una, pero hindi nila alam kung hanggang kailan. Sa huli, hindi pa rin natin maaaring sisihin ang lintik na pagibig na 'yan. Kundi ang puso nating hindi na natuto sa kabila ng ilang beses na pagkabigo. 'Yan ang buhay, parang gulong. Minsan, nasa itaas. Minsan naman sa ibaba. Kadalasan, flat tire. Choice mo na lang kung ipavuvulcanize mo sa pinakamalapit na vulcanizing shop para ayusin ng iba. Pero may spare tire naman, at tools sa likod. Maaaring ikaw na mismo ang umayos ng gulong. O kaya subukan mong icheck, baka naman kasi hindi ang gulong mo ang may problema. Baka ang dinaraanan mo naman pala.
I made a promise never to settle, why didn't I keep it? 'Cause I hated the heartbreak, crying ang cheating, and fooling around.
Pasaway nga ang puso ng tao. Kahit ilang beses mong pigilan, hindi mo kaya. Kasi wala namang break fluid ang puso. Parang "I love you, todo todo, walang preno!" Kasi ang puso, kapag nagiba ng tibok, hindi na lamang 'yan para magsupply ng dugo sa katawan mo-- kundi para ipaalam sa'yo na, "Omaygad, trip ko 'to! Eto na, eto na!" Pero, as all wounded hearts undergo, masasaktan ka pa rin. Kung masaya ka naman sa lovelife mo habang binabasa mo 'to, tandaan mo: Hindi ko alam kung kailan at kung paano, pero kagaya namin ng ex boyfriend ko, maghihiwalay rin kayo! 'Yan ang tinatawag na bitter. Ganyan tayo kapag galing sa breakup. Feeling natin, ang sarap itumba ng lahat ng masaya sa lovelife nila.
I'm not going through the motions, waiting and hoping you call me, I'm not missing you. You might have had me open, but I must be going because I got life to do. I know I'm usually hanging on, that I hate to see you go. But this time it's different, I don't even feel the distance. I'm not missing you.
Sobrang malungkot ka. Hindi mo na kaya. Pero gusto mo ba na matulungan kita? Ang gagawin mo lang naman ay tapusin ang blog na ito. Tapos, iclick mo ang Follow. Ayos lang kahit na wala kang Blogger account. Tapos ishare mo sa iba pang kinakailangan nang maglakad pasulong. Tapos, eto na:
1. Art of Letting Go.
Sabi nga sa kantang 'yan, "Put away the pictures, put away the memories." Naku naman ateng! Paano ka makakalimot kung nakadikit pa rin sa pader ng kwarto mo ang mga litrato nyong dalawa habang naglalampungan sa Luneta? 'Yang mga regalo nya para sayo, hindi mo naman kailangan itapon. Itago mo muna habang masakit pa. Ilabas mo na lang kapag talagang ayos ka na. Kasi, habang may nakikita kang mga bagay na nagpapaalala sa kanya at sa mga masasayang alaala ninyong dalawa, hindi mo makalilimutan ang sakit. Hindi mo siya makakalimutan. Kaya ateng, isako mo na muna 'yan.
2. Iwasang Maiwan ng Magisa.
May matinding posibilidad na maalala mo lahat ng mga bagay na pilit mong kinakalimutan kapag ikaw na lamang magisa. Kapag magisa ka, feel na feel mo'ng magemote. Tapos makakarinig ka ng sad love songs. Tapos unti unting magpaflashback ang nakaraan. Tapos malulungkot ka. Babalik ang sakit. At ang katotohanang tapos na ang lahat, na hindi na sya babalik, na tanging mga masasayang alaala na lang ang meron ka. Masasayang alaala na kapag bigla mong naalala ay pinalalala lamang ang mga lamat sa puso mo. Kaya utang na loob te, iwasan ang maging alone, okay?
3. Keep Yourself Busy.
Simple lang 'to mga ateng. Kapag marami kang ginagawa, naiiwasan mo ang magisip ng kung ano ano. Maghugas ka ng plato. Maglinis ng kwarto, ng buong bahay. Maglaba ng damit mo. Oh 'diba? Nakaiwas ka na sa pagiisip sa kanya, natuwa pa si Mama. Lumabas ka ng bahay. Gumimik ka. Maginom ka hanggang umaga. Ienjoy ang pagkakataon na wala nang pipigil sa'yo sa paggawa ng mga bagay na gusto mo. Freedom. Iyan ang tinatawag na "Gift of Singleness." Magpakasaya ka. Karapatan mo ang maging masaya. Ang tumawa. Huwag mong gawing miserable ang buhay mo dahil lang sa iniwan ka ng kung sino mang unggoy na hindi naman talaga alam ang tunay na pagibig. Maging bitter ka sa una. Minsan, nakatutulong 'yun. Pintasan mo ang DP nya sa Facebook. Aminin mo sa friends mo na may putok ang ex jowa mo. Na ayaw mo naman talaga syang pumorma. Na ang baho ng buhok nya. Na kuripot sya. At wala syang kwenta. In that way, magkakaroon ka ng dahilan para sabihing, "Bakit ko nga ba 'to naging jowa? Maygahd!" Pero syempre, sa umpisa mo lang 'yan gagawin. Dahil kapag naka move on ka na, kahit gaano pa sya kapogi talaga, hindi ka na manghihinayang. At matatawa ka na lang kapag naalala mo na naging kayo minsan. Natural lang na madalamhati at magbitter sa una. Pero ang maging ganun na lang habambuhay? Magisip ka. Choice mo 'yan.
4. Cut it Out.
Hindi gaya ng computer ang heartbreak. Wala 'yang auto recovery. Pero kung gusto mo na mas mapabilis ang paghilom ng sugat mo, putulin mo lahat ng connections. Pilitin mo na kalimutan ang cellphone number nya at saka mo burahin. Much better kung magpapalit ka ng simcard. Kasi, habang nakikita mo ang number nya sa phonebook mo, mas lalo kang maeengganyo na magGM ng magGm. Aminin mo, lagi mo syang pinadaraanan ng GM mo na puro naman patama. Kung maaari rin, iunfriend mo sa Facebook te. Kasi, hanggat friend mo sya, kapag nag online ka, maiintriga ka lang na iview ang profile nya. Tapos kapag may nakita kang posts ng mga babae, maiintriga ka ulit na tignan kung ano ang papel nya sa buhay ng ex jowa mo. At kapag confirmed nga na may "something" sa kanilang dalawa, you will start to freak out. Click ang name ni girl, titignan ng ilang minuto ang DP. Click ang pictures ni girl. Copy ang link. Imemessage sa friends, at tatanungin kung masmaganda ba sayo 'yung babae. Ateng naman! 'Di tayo ganyan. Iunfriend mo na lang muna okay? Kapag handa ka na, iadd mo na lang ulit. Iwas sakit.
5. Let it all Out, and Accept the Truth.
Iiyak mo lahat. Isigaw mo. Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo. Ganyan naman talaga kapag may problema 'diba? Pero pagtapos mo iiyak lahat, tanggapin mo na ang katotohanan-- na tapos na. Na wala nang pagasa. Na hanggang doon na lang talaga. Na hindi na kayang ipilit pa. Na hindi na talaga pwede. Na kailangan nya nang mangaliwa este lumiko sa kaliwa, habang sa kanan naman ang gawi mo. May mga kaibigan ka. Mahal ka nila. Hindi ka nila iiwan. Maaaring lagi silang late kapag may gala, o walang maiambag sa inuman. Pero ang totoo, kapag kailangan mo sila, hindi ka nila iiwan. Kaya nga ginawa ni God ang mga kaibigan, kasi sila ang magpapatahan sayo. Sila ang mga ihinulog no God mula sa langit para bantayan ka. Para protektahan ka. Para patawanin ka. Para maging masaya ka-- kasi, ayaw ni God na masaktan ka. Na makita ka nyang malungkot. Ayaw ni God na maging miserable ang buhay mo sa kakaiyak para sa taong sa hindi nya naman ginawa para sayo. Nagkataon lang na hindi nadedetect ng puso kung sino talaga ang nararapat para sayo. Hindi naman detector ang puso. Sinadya ni God 'yun, na hindi natin malaman kung sino ang makakasakit sa atin at mangiiwan. Hindi naman puro sarap lang sa pagibig. Gusto ni God na matuto ka muna bago nya ipakilala sayo ang "The One." Eh hindi ka natututo. Kaya magtiis ka muna okay? In time, makikilala mo na ang para sa'yo. At maiintindihan mo kung bakit inimbento ang heartbreak.
At..
6. Magpaganda/Magpapogi.
Ang mga taong galing sa heartbreak, haggard ang itsura. Magpaganda p magpapogi ka. Kasi, kapag may nawala, siguradong may kapalit. Maaaring hindi agad dumating ang replacement, pero dapat ay lagi tayong handa. Get a new haircut! Nakakatulong rin kadalasan ang new look sa mga depressed. Fresh sa pakiramdam. Tapos ay makikita ka niya at mga bago mong itsura. Maaaring mapapaisip sya, at magsisi sa pangiiwan sayo. Pero syempre, MANIGAS SYA!
Maiiwan tayo ng mundo kung hindi tayo matututong sumabay sa ikot nito. Normal lang ang masaktan. Pero hindi mo kasalanan 'yan. Tandaan mo, lahat ng tao ay nagkakamali. Maaaring hindi pantay sa bilang ng pagkakadapa, o heartbreaks na naranasan. Pero sa kabila noon, lahat pa rin ay nasasaktan. Hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. Mayroon ngang mga walang makain, walang pera, namatayan, at may malubhang karamdaman pero nagagawa parin nilang magsaya at tumawa. So, ano ang karapatan mong magmukmok at mag emote? Hindi mahaba ang buhay para waldasin mo ang ilang araw ng buhay mo sa pahiyak dahil sa isang taong nanakit sayo. Tandaan mo nga, lahat ay nasasaktan. 'Wag mong iisiping gumanti. Hayaan mo, may makikilala rin sya na manloloko sa kanya at mararamdaman niya ang naramdaman mo nang ikaw ang lokohin nya. Hindi ba't mas masarap sa pakiramdam na ibang tao na ang gumawa ng paghihiganti sa'yo? Sa tamang panahon, lugar, at sa tamang tao, mararanasan mo ang tunay na pagmamahal. Sa ngayon, ienjoy mo muna ang karapatan mong maging single. Mamimiss mo rin 'yan kapag may jowa ka na ulit.
Kung noong bago nga maging kayo, masaya ka. Pagkatapos pa kaya ng paghihiwalay nyong dalawa? Ang sakit na nadarama mo ngayon, panandalian lang 'yan. Darating ang araw na hindi ka na magiging apektado sa Facebook posts at GM nya. By that time, naka MOVE ON ka na.
Kaibigan mo ako. Sasamahan kitang maglakad sa daang tinatahak mo. Pabayaan mo sya, hindi naman sya mahalaga. Ang mahalaga, mahal kita. Mahal ka namin. Halika na, aakayin kita. Maglalakad tayo pasulong. Iiwan ang mapait na kahapon. Hindi kita iiwang magisa, pangako. Hanggang sa huli, hindi kita iiwan. Pangako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento