Huwebes, Marso 22, 2012

K+12? bULAG KA BA?

Isa sa mga panukala ng administrasyon ni P-Noy ang Educational Reform Program upang diumano ay mapaigting pa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, Ito rin DAW ang magiging sagot sa mga problema sa usapin sa kakulangan sa trabaho at makasabay sa pandaigdigang kalidad!

Ngayon tatanungin kita, nakapag aral ka na ba sa pampublikong paaralan? Kung oo ang sagot mo, malamang sa malamang ay makakarelate ka nga sa mga katarantaduhang sasabihin ng iyong abang lingkod!

Hindi naman masama ang hangarin ng gobyerno ang nasabing programa, ang malaking tanong lang, ay handa na ba ang Pilipinas sa BIGLAANG pagbabago, lahat ng bagay ay dumadaan sa masusing proseso at PAGHAHANDA. 

Upang maipatupad ang letseng K+12 na yan, magkakaroon ng karagdagang isang taon sa elementarya at sekondarya ang mga susunod na kabataang mag-aaral, yun eh kung kaya pa nilang makapagtapos, idagdag pa ang ilang taong gugugulin sa kinder at prep (kung may pera pa sila). O ayan, linawin natin isa -isa, ano-ano nga ba ang mga kakailanganin ng gobyerno upang tuluyang maging mabisa at matagumpay ang nasabing proyekto?


 Unang una sa listahan ang mga karagdagang guro, mangangahulugan ito ng karagdagang gastos sa departamento ng edukasyon, kung ang kakarampot na sweldo ay ipinagkakait na sa mga mahal nating edukador ng bayan, pano pa kaya pagkakasyahin ng gobyerno ang napakaliit na budget kapag nangailangan pa ng karagdagang guro upang mapunan ang higit na pangangailangan kapag naipatupad na ang nasabing programa? Paano maisasakatuparan ang matagal nang iginigiit na umento sa sahod ng mga guro? Matagal na silang paos na apat  sulok ng paaralan at hanggang sa pagsigaw ng makatarunganang  kabayaran sa kanilang kabayanihan ay mauubos pa ba ang kanilang mga tinig?


Ikalawa, ang dagdag na pasilidad tulad ng mga classroom, at iba pang gamit pampaaralan, mangangailangan nanaman ng higit na pondo, kung ngayon pa lamang ay problemado na ang karamihan sa mga pampublikong paaralan kung papaano nila pagkakasyahin ang napakaraming istudyante na nag eenroll, papaano pa kaya kapag nadagdagan na ang bilang nga mga pangkat ng mga bata dahil sa pagdagdag sa taong igugugol nila sa paaralan, kapag napapadaan ako sa aking paaralan noong elementarya, kitang kita ko pa ang mga istudyanteng pinagkakasya at ginagawan ng maliit na barung barong sa covered court at nagtitiis magklase kasama ang mga napakaingay na manlalaro ng sepaktakraw!

Karagdagang libro, naranasan mo na bang magkalibro at kapag binuksan mo ang pabalat ay makikita mo ang mga pangalan ng lima pang huling nagmay-ari ng librong pinaglumaan na ng panahon? Kung nanggaling ka sa paaralang pinatatakbo ng gobyerno, malamang ay hindi na bago sa iyo ang ganitong eksena, at huwag kang magtataka kung ang libro ng katabi mo ay pito at ang iyo naman at tatlo lang, malamang ay hindi ka na umabot dahil hanggang mga apelyidong nagsisimula lamang sa letter "F" ang mabibigyan ng aklat na kumpleto, eh malas mo dahil sa "G" nagsisimula ang sourname mo. Kung sa kasalukuyan ay ganito na ang drama ng mga iget na pag-asa ng bayan, tila kailangan na ata ng mga namumunong magpatingin sa mata, upang malinaw nilang makita ang paghihikahos ng mga bata na siyang magmamana ng ating inang bayan, huwag naman po sana kayong magbulagbulagan mga tsong, nag-aral naman kayo diba? kaya nga ang galing niyong manloko eh! Humanap naman kayo ng epektibong paraan at hindi puros pangarap na imposible namang makamit!

Huli naman sa aking listahan ay ang kapasidad ng mga maralita nating kababayan na makapagpatapos ng pag-aaral, kung ngayon pa lamang ay marami nang humihinto dahil sa kawalan ng kakayahang makapag-aral, papaano pa magkakaroon ng ng pag-asang makapagtapos ang mga mahihirap na inaasahang mag aahon sa kanilang pamilya kung ang dating edukasyong pinipilit nilang maabot ay higit pang patataasin upang tuluyan na nilang ni hindi matanaw?

Kaya para sa mga mare at pare kong makakabasa nito, kayo na ang humusga, ayoko nang masyadong marami pang sabihin, baka masabi ko lang na T@Ng$ ,En%t, in^til at m@ng*ang ang mga tao sa likod ng Letseng K+12 na ito.'


Alamin ang puno't dulo ng problema bago gumawa ng aksiyon at magbigay ng solusyon! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento