Huwebes, Marso 22, 2012

Serpyente

animnapu't dalawa, ano ang naiiba?
Animnapu't tatlo, sino ang nanalo?
Animnapu't apat, tunay ka bang matapat?
animnapu't anim, ba't ang titig mo'y matalim?
animnapu't pito, handa na ba kayo?

Larawan mula kay Google


sa bilang na sandaan, titigil ang digmaan!

mahihintay mo pa ba?
ang malayong bilang nila?
bawat pagputok ng labanan
tumbas bay kapayapaan?

Hindi isa
Hindi Dalawa,
sampu ang nagdurusa
hindi tatlo
hindi pito
nag aabang ang mga diyablo

Akala mo'y banal
pagharap ng balasubas
nakaluhod sa santo
may budhing naaagnas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento