Hindi ba mas masarap mangalap muna ng mas maraming ebidensya, magmasid at makibalita bago mo lubusang ibulgar ang iyong nalalaman? Mas masarap mag ipon ng sasabihin at tsaka mo ibuhos ng biglaan, kaysa dada nang dada ngunit mahina at walang kwenta naman ang ibinibigay na argumento.
Higit na masakit ang tarak ng matalas na dila kaysa paningin.
Higit na mas nararamdaman nilang mahalaga sila kapag sila ang pinakikinggan kaysa ikaw ang nagsasalita, sa mga panahong marami silang kwento, manahimik ka, ito ang kanilang oras at araw, malay mo, kaya nila sayo sinasabi ang lahat ay dahil ikaw lang ang taong may tiyagang nakikinig sa kanila, pakinggan mo naman siya, kahit ngayon lang.........
kahit ngayon lang.
At kapag oras na ng iyong pagsasalita, maniwala ka, makikinig sila.
kahit ngayon lang.
At kapag oras na ng iyong pagsasalita, maniwala ka, makikinig sila.
Mas masarap masdan ang lawak at aliwalas ng kapaligiran kaysa basagin ang katahimikan,subukan mo ring umupo sa isang sulok kung saan tanaw mo ang lahat, sa maniwala ka at sa hindi, sa dami ng naiisip mong ibulalas ay wala ni isa mang salita ang pakakawalan ng iyong bibig, ikaw na ang kusang makadadama ng pagnanais na hanapin ang iyong sarili, sa gitna ng tahimik na mundong malayo sa madalas mong pinagdaraanan.
ngunit sa mga panahong ito, higit lang talagang makapangyarihan ang sampung daliring tumitipa.
minsan, subukan mo, masaya kaya!
TRY MOOOO!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento