Nag- uusap kami ng kaibigan ko ng tumalsik ang laway nya. Natawa ako at sinabing, "Ano ba 'yan 'teh!"
"Sorry, tao lang. Nagkakamali," sagot n'ya.
Napansin ko lang naman na madalas nang gamitin ng mga tao ito ngayon.
"Sorry tao lang, nagkakamali."
At napansin ko rin na hindi ganoon kagandang sabihin ang mga katagang ito. Tao ka, oo. Pero pwede mo na namang alisin 'yung "LANG" di'ba?
Para saan ba at ginagamit ng mga tao ang mga katagang ito?
Para maging "in" kasi uso na ito?
Kasi wala lang?
Nakasanayan na?
O pagtakpan ang pagkakamali?
O di'ba. Nakakatuwang isipin na isinisi mo pa sa pagiging tao mo ang kasalanang nagawa mo.
Ako, aaminin ko na minsan ay nakakalimutan kong gamitin sa tama ang utak ko. Na paganahin ito sa mga pagkakataong kailangan ko ito. Na hindi muna ako nag-iisip bago kumilos o gumawa ng isang bagay.
Sisisihin ko ang sarili ko, pero hindi ko iyon isisisi sa pagiging tao ko.
Nakita mo 'yung kaibahan ng pagkatao sa pagiging tao? :)
TAO tayo. Tayo ang pinaka-matalinong nilalang na ginawa ng Diyos. Upang pangalagaan ang iba pang magagandang bagay na nilalang Nya. Hindi ba?
Ano sa tingin mo? Tao ka LANG ba talaga?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento