Si boy bibo ay hindi simpleng bata, siya ay kakaiba, dapat niyang gawing kakaiba ang kaniyang sarili upang maging kapansin-pansin sa mata ng kaniyang mga propesor at kaklase, kailangan niyang manguna, kailangang lamang siya sa lahat ng bagay, sa quiz, sa midterm o recitation, dapat hindi magkaroon ng pagkakataong makasagot ang kaniyang mga kaklase sa kapag nagtatanong si sir o ma'am, nung nakaraan nga ay nakasabay ko siya sa banyo, eh matangkad ako, akalain mong itinikwas pa ang putotoy para lang mas mataas ang ihi niya, hinayaan ko na lang, matalino eh!
Si boy bibo ay ipinanganak na aktibo, handa siyang paalipin sa lahat ng kapitalista na nagtatakda ng kung ano ang magaling at hindi, at siyempre, kung sino ang mas kapaki-pakinabang at mauuto nila ay siyang pinakamagaling sa isang pulutong ng mga mag-aaral, marami kang dapat gawin upang hirangin kang boy bibo, kailangan mong dalawin ng mas madalas ang opisina ng mga nakaluklok sa kapangyarihan, aba siyempre, kailangan mong magpalakas, kailangan mo silang ipagtimpla ng kape, ibili ng pagkain sa mamahaling kainan, punasan ang pwet kapag bagong tae at alugin ang etits pagkatapos umihi, at kung gusto nila at dapat marunong ka ring mang-aliw, yung tipong kakanrtahan at sasayawan mo sila kapalit ng sunod-sunod na palakpak with matching "yeheey"!
Maraming requirements para maging boy bibo ka, kailangan malakas ang boses mo at makapal ang mukha, dapat ring hindi ka sumusuway sa utos ng iyong mga guro, at kahit hindi nila inuutos ay dapat mong buhatin ang bag nila kapag dumadaan sila sa pasilyo ng inyong paaralan.
Bakit nga ba nagpapakabibo si boy bibo?
Ito ay dahil gusto niya ng mataas na marka o di kaya'y tumakbo bilang pinakabibong bata sa paaralan at matg-uwi ng medalya o sertipikong nagpapatunay na siya ay miyembro ng samahan ng mga ginawang katulong ng paaralab, noong elementarya, ang batang pinaka-inuutusan ng kaniyang guro ay siyang pinakabibo at pinakamatalino, kung sino ang pinalista ng "noisy" sa harap ng pisara habang nagbebenta ng tocino sa mga nanay ang kanilang teacher, o kaya'y pinasusulat kung sino ang mga tumatayo habang wala pa si ma'am.
Si boy bibo rin ang madalas na taga-check ng test papers o quiz kapag tinatamad si ma'am o sir, siya na rin ang nagrerecord at gumagawa ng lesson plan (biro lang), tunay nga namang napakagaling ni boy bibo!
sa bawat araw na uuwi si boy bibo ay napakasaya niya dahil inalila nanaman siya ng kaniyang magaling na guro, pareho nga naman silang magaling kaya wala tayong dapat ipangamba
sa huli, kapag tapos nang makapag-aral, nakapagtrabaho at naging presidente pa ng Pilipinas si Boy bibo, kanino naman kaya siya paalila?
tatawagin pa ba siyang boy bibo? o baka naman mapagtanto niyang siya si
Batang bobo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento