Para sa mga pasaherong magmumula sa Roosevelt patungong baclaran, kayo ay magbabayad na ng tumataginting na trenta pesos mula beinte, at para naman sa mga nagkukumahog nating kababayan na naglalakbay mula Recto hanggang Marikina, maghanda na kayo ng Bente singko pesos dahil hindi na kinse ang mababawas sa minamahal niyong pitaka, ang naturang pagtataas ng pasahe ay magiging epektibo sa pagsabog ng bukang liwayway sa unang araw ng Marso, magpasalamat kayo sa nagsulong ng resolusyon na yan, kaya kung may reklamo kayo, sila ang kuyugin niyo at bakit pumasok sa kanilang kukote ang dagdag na pahirap sa mga Pilipinong wala na ngang makain ay dinagdagan pa ng bagong poproblemahin.
Bukod rito, isipin niyo nga mga kagalang-galang na tagapagpatupad ng batas at mga kawani ng DOTC, ang pinakamainam na dahilan kung bakit pinipiling sumakay ng tao sa LRT at MRT ay dahil mas mababa ang pasahe rito kumpara sa mga pampublikong sasakyan tulad ng bus at jeepney, sa oras na maipatupad ang pagtatas ng pasahe, siguradong mas pipiliin na nilang gumising nang maaga at makipagsabayan sa mainit at sisiksikang kalsada na magdudulot naman ng matinding trapiko, kapag may trapik mas maraming polusyon, kapag may polusyon may global warming kapag may global warming natural mas mainit, kapag mas mainit ang mundo, magugunaw tayo, kapag nagunaw na, edi patay tayong lahat, naku kung di nga naman talaga kayo mamamatay tao oh!
Imulat niyo nga ang mga mata niyo mga dudong, hindi pagtitipid sa serbisyong bayan ang solusyon kundi ang pinagkukunang yaman tulad ng pagtugis sa mga damuhong na tumatakbo sa buwis at mga patay gutom na kurakot na akala mo'y mauubusan ng yaman sa mundo at masyadong ganid sa pera!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento