Male Urinal. Source: Google Images |
Bakit walang urinal para sa aming mga kababaihan? Hindi ba't dapat ay pantay lang ang aming karapatan sa mga kalalakihan?
Sa mga oras na nakararamdam kaming mga babae ng pagbabawas, kailangan pa namin na maghanap ng public comfort room, gasoline station, o magtiis hanggang sa makarating kami sa bahay. Pero kapag sa mga lalaki ito nangyari, may male urinal na naghihintay para sa kanila. Kung wala man, nariyan ang mga pader na may makukulay na pintura, mga punong walang sala, at posteng walang magawa kapag nababasa na ng maligamgam na ihi.
Unfair diba? Pero naisip ko rin na ayos lang iyon. Paano naman kasi, kung saan saan na lamang umiihi ang mga kalalakihan. At para maibsan iyon, male urinal ang solusyon ng gobyerno. Kung hindi man nila kayang madisiplina ang mga lalaking pasaway, idaraan nila ito sa paraang makikinabang ang lahat.
Hindi na rin masama. Okey lang, kahit walang urinal para sa kababaihan. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento