Biyernes, Marso 23, 2012

K-POP


K-POP
            Gaga over Bigbang.. Super Junior.. AsiaTix.. 2NE1.. Girls Genenration.. 2PM.. U-KISS.. T-ara.. Beast.. BoA.. Rain? Admiring them from head to foot, learning their language and culture.


            By 2011, K-Pop has become the mainstream genre in most East and South East Asia, including Japan, Malaysia, Mongolia, the Philippines, Indonesia, Thailand, Taiwan, Singapore, China, Vietnam. Through the internet, recently, K-pop started to expand to the rest of the world. Pop, dance, electro-pop, hip hop, rock, R&B and electronic music originating in South Korea—this are the genres that amused all of us.


        

    The founding of South Korea's largest talent agency, S.M. Entertainment, in 1995 by Korean entrepreneur Lee Soo Man led to the first K-pop girl groups and boy bands. By the late 1990s, YG Entertainment, DSP Entertainment, and JYP Entertainment had burst onto the scene and were producing talent as quickly as the public could consume it. 

            With help from social networking sites, like Facebook, Twitter and YouTube, the ability of k-pop to reach millions of people had been just a piece of cake. Internet had made them have exposure and popularity gained in just a matter of seconds or minutes.



            These sensations made a wide-spread drive to millions of youth from different parts of the world. Addicted to their on of a kind style and modern approach to music.



       
     Though most of their songs are not understandable and their “engrish” are not that good, we still crave for their songs and most of all their oh-so-cute faces and outfits that we all want to have or at least copy-cat their unique sense of styles.
           
           


Huwebes, Marso 22, 2012

Buti pa ang mga Ibon

Buti pa ang ibon, kayang lumipad hanggang rurok ng kaitaas taasan, paglipad na sumsimbolo sa kalayaan, hindi tulad ko, ang tanging kaya ko lang gawin ay tumingala at sundan siya ng titig, mga titig ng pagkainggit sa isang hayop na mas mataas ang lipad kaysa sakin, minsa'y naisip ko rin kung isang araw ay bigyan ako ng pagkakataong maging isang hari ng sangkalangitan, aangkinin ko ang kalawakan at mamasdan ko ang lupang aking pinagmulan, sisilipin ko ang mga kalsada, parke, ilog at lahat ng magagandang tanawin, liliparin ko ang pinakamalayong probinsya ng Pilipinas.

Gusto kong dapuan ang pinakamataas na punong kahoy sa kagubatan, damhin ang sarap ng simoy ng hangin, at higit sa lahat, mapupuntahan ko ang lahat ng nais kong puntahan, walang kailangang requirements at walang may karapatang magbawal.


Malalapitan ko ang mga taong nais kong makasama, mamamasdan ko ang tunay na kalakaran, hindi ko kailangan ng pera, ng gamit at ng kung ano pa man, ako'y magiging malaya, malaya sa lahat ng bagay na tila kumukontrol sa tao, malaya sa mapanghusgang lipunan na aking ginagalawan, makakakain ako ng walang ibang nag iimbot, at malaya rin akong makisabay sa iba pang ibon na nakikipaglaro sa hampas ng hangin, at kapag dumating na ang bagyo, dahan dahan akong bababa sa lupa tutuyuin ang mga basa kong pakpak, tatayo sa pinakamataas na bundok at mamasdan ang mga tao sa lupa.

Gusto kong maging isang ibon, huhuni nang pinakamagandang tugtugin at awit ng buhay, at kapag panahon na upang kunin ako ng diyos, hihiga ako sa tabi ng isang matatag na punong kahoy na dati'y dinadapuan ko lamang, hihintayin ko ang paglagot ng aking hininga at iaalay ko ang aking katawang lupa sa punong magiging pinakamatatag sa lahat, at ako'y payapa na, tahimik at masaya!

Tulad ng dati

Sabado na naman, may kakaibang kagat ang simoy ng hangin sabayan pa ng bilog at matingkad na liwanag ng buwan, may kakaibang pwersang humahatak sa akin palabas ng bahay at patungo sa isang lugar kung saan itinatago ang ligayang makamundo, ang lungga kung saan mas pinadidilim ang gabi, kung saan hindi uso ang salitang kasalanan, bagkus ay binabalot ng pagpapakasaya at alindog ng buhay.

Sa pintuan pa lang ay natanaw ko na ang taong tangi kong naging sadya, unti-unti kong binagtas ang kanyang kinaroroonan, sa bawat pagpihit ng aking mga paa ay may tila kabog na kumakalampag sa aking dibdib, kaagad niyang hinawakan ang aking mga kamay, at sa bawat pisil ng kanyang mga daliri ay ang pahiwatig ng nakaraang pagkikita, bahagya akong napabalikwas sa paggapang ng malilikot niyang himas at unti-unti ay ninakaw niya ang aking pagkatao.

larawan mula kay kaibigang google
Hindi ko maipaliwanag ngunit hindi tulad ng dati ay wala na ang ispiritong ngumangatal sa aking kaibuturan na kung tawagin ay libido.

Wala na ang pananabik, wala na!

Hindi bale, makawawala rin ako sa hawlang to, alam ko namang minsan ay matatagpuan ko rin ang daan palabas sa ganitong gawain.

Kapag tama na ang dating tinatawag na mali , at kapag sapat na ang aking karanasan upang malaman ko ang tunay na pinagmumulan ng salitang pagnanasa.

Ngunit sana sa panahong iyon ay hindi pa huli ang lahat. 

Bibe

Habang nagpapakain ng mga inahing bibe pato, at tilapia sa munti naming bakuran ay may kapirasong parte nanaman ng utak ko nag bumbilya epek (tingining!)


" sa kakarampot na tinapay na ihahagis ko sa kanila ay nagkukumahog mag agawan ang mga kaawa-awang bibe sa aking paanan, hindi ko maipaliwanag kung anong saya ang nararamdaman ko sa tuwing ihahagis ko ang bagay na tiyak na magdurugtong sa kanilang buhay at kumakalam na sikmura, ang kapirasong tinapay na magbibigay sa kanila ng hudyat upang mamuhay ng karagdagang isang araw"

Ganito pala ang pakiramdam kung ikaw mismo ang kokontrol ng buhay ng ibang hayop, ito marahil ang dahilan kung bakit hayok sa kapangyarihan ang lahat, kung bakit mayroong nagkukumahog upang makipag-agawan sa kapirasong tinapay at mayroon ding naghahagis ng kakarampot na pagkain sa kanila, ang puno't dulo ay ang pagiging sakim sa kapangyarihan.

"Maya-maya pa'y lumapit ang isang bibe sa aking paanan at tinuka ang aking paa, makikita mo sa munting mata ng hayop ang kakulangan at pagnanais na magkaroon ng sapat na makakain, ngunit hindi pumasok sa aking isip na abutan siya ng kaniyang pangangailangan, bagkus ay sinipa ko papalayo ang kaawa-awang hayop, walang ibang hayop na lumapit at patulo'y ang karamihan sa pagtuka ng kanilang mga pagkain"

Kapag ang isa'y namulat sa kaniyang karapatan upang mamuhay, walang habis siyang lalaban sa higanteng nagmamanipula sa karamihan, ngunit ang dambuhala'y higit na malakas, higit na may kapangyarihan at higit na may magagawa, sisipain papalayo ang mahihina at igigiit ang kinasisiyang pagmamalabis.

Ngunit ang iisang lumaban ay darami, aalsa ang noo'y nagbabagang damdamin at magiging isang silab na tutupok sa naghahari-harian at mapang-aping sistema.

Ngunit alin at sino ba ang dapat sugpuin? ang mapagmalabis o ang bulok na sistemang kumakain sa karapatan ng karamihan? sino ang dapat sunugin sa impyerno? ang tao o ang sistema ng demonyo? sa palagay ko'y alam mo na ang sagot!

P-Noy abnoy nga ba?

Paalala: "ang kathang ito ay pawang gawa-gawa lamang, walang katotohanan, walang dapat ikagalit, walang dapat ikainis, HINDI PO TOTOO ANG AKING MGA SINASABI"

"Nagmamakaawa ako, huwag niyo na pong ituloy ang inyong pagbabasa, wala kayong mapapala."



Pnoy Abnoy ka nga ba?

Sa kabila ng samu't saring pangako na binitawan ng kasalukuyang pangulo, ano na nga ba ang sitwasyon ng ating mga mamayan sa kasalukuyan?

sa Sektor ng edukasyon, pilit na itinutulak ng pangulo ang ating mga SUCs upang maging self sufficient at kumita ng salapi mula sa mga mag-aaral nito na alam naman nating naghihikahos sa buhay kung kaya't napiling mag-aral sa mga pampublikong pamantasan, tuluyan panggigipit sa ating mga mamamayan upang isulong ang vocational courses at gawing alipin ang ating mga kabataan at mangagagawa sa mga banyagang bayan.

Sa Trabaho, ang magkarugtong na problema ng edukasyon at krisis sa trabaho ay isang sumpang hatid ng papet na administrasyon

administrasyong tumutugon lamang sa pangangailangan ng mga pinagsisilbihang banyaga at walang malinaw at progresibong panukala sa sariling bansa, tuluyan rin binuksan ang ating ekonomiya sa mga banyagang negosyante at tila nilalagyan ng presyo ang bawat makitang yaman na kung tutuusin ay dapat tayo ang tumatamasa.

Paalala lamang po, hindi po isang malaking sari-sari store ang Pilipinas, hindi ipinagbibili ang aming bansa, Uncle Sam at Tiya EUrice please lang, wag niyo naman kaming sairin, napaka sugapa niyo eh!

Noong nakaraang araw lamang ay dumalo ako sa dalawang araw na pagtitipon ng mga mga campus journalists na nilahukan ng mga estudyante mula sa iba't ibang panig ng bansa, ang naturang pagtitipon ay sponsored ng isa sa pinakamalaking samahan ng mga bansang banyaga na nasa Pilipinas raw diumano upang maghasik ng tulong pinansiyal at pagsasanay sa ating mga magsasaka at magingisda (weh? yun nga lang ba?) kapalit ng naturang pagsasanay sa ating mga mangingisda ay kailangan maabot nila ang standard ng produktong pagkain ng Europa upang maibenta ito sa mga bansang kanluranin ( so ano toh? food trip kayo ganun? huli namin kain niyo?),

ang naturang pagtitipon ay naglalayong sanayin ang mga campus journalists sa pagsusulat ng foreign news at iba pang mga artikulo ukol sa negosyo ( reminder,banyagang negosyante sila), kung susumahin ay naroon sila upang lumapit sa mga future media practitioners (feeling) upang magkaroon ng mas madaling koneksiyon sa tao at tuluyang maakap ang ating mga kaisipan (diretsahan na toh, totoo naman ho yon, ano pa bang magiging dahilan nila?), ito ay ilan lamang sa mga kabulukang hinahayaan ng ating pangulo na maganap sa ating bayan, pilit na pinapapasok sa ating bansa ang mga negosyante mula sa mayayamang bansa na nagdudulot naman ng pagkamatay ng mga lokal na negosyo, ngayon, sabihin mo Pnoy, abnoy ka ba talaga?

Bakit ang bobo ng pangulo natin? Oh para sa supporters niya lalong lalo ang masugit niyang tagasubaybay na si Krazy Aquino, wag na po nating idahilan na halos isang taon pa lamang siya sa pwesto, 

OO nga isang taon pa lamang siya, 

eh kung ang plano namang inilalatag niya ay matagalang iindahin ng ating mga kababayan, mabuti pang bumaba na lamang siya sa pwesto at alagaan si Bimby at Joshua.

Balik tayo sa edukasyon, para po sa kaalaman ng lahat ay nag-aaral ako sa isang pampublikong pamantasan kung saan kailangan mong magdala ng tuwalya araw-araw kung ayaw mong maligo sa sarili mong pawis, kung saan singkwenta kayo sa isang klase pero 31 lang ang upuan, kung saan pagpasok mo sa banyo ay gugustuhin mo na agad lumabas dahil sa nakasusulasok na amoy.

kung ito ang dahilan kung bakit nangungulelat tayo sa siyensiya at matematika, malinaw na itinuturong salarin ang ating pamahalaan.

Marami nang naging pangako si Pnoy, hanggang kailan tayo maghihintay? hanggang kailan natin kailangang pag-usapan ang lovelife niya? Hanggang kailan natin pakikinggan ang reklamo niya sa nakaraang administrasyon na hindi naman masolusyunan?

Hanggang kailan tayo magpalilibang sa mga Commercial ni Krazy? 

at huling tanong.

Pnoy, abnoy ka ba talaga?

Nauutal na ungol ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita.

Matapos ang humigit kalahating siglo ng pakikibaka at paglaban para sa lupang pinagyayaman at dinilig ng dugo ng mga magsasakang api, sa wakas ay makakamit na nila ang pagmamay-aring kay tagal ring pinagsasaan, kinamkam at binusabos ng berdugong pamilya Cojuanco.

Bukod sa Hacienda Luisita massacre noong Nobyembre 16 2004 at Mendiola Massacre na kumitil ng hindi mabilang na inosenteng buhay, dinilig din ng libo-libong litro ng pawis at dugo ang lupang niyakap ng mga magsasaka hanggang  sa mga huli nilang sandali sa daigdig, patunay na ang kanilang kultura at ugat ng lahi ay karugtong na ng binungkal na lupa sa mahabang panahon.



Nagbunga na ang ngitngit ng mga magsasakang pinagsamantalahan, bungang babantayan ng iba't ibang sektor ng lipunan upang hindi na muling samantalahin ng iilang bundat at ganid na walang ibang interes kundi kumita at magpakasasa sa yamang pinaghirapan ng iba, ngunit ito ay unang hakbang pa lamang ng tuluyang pagkamit ng hustisya, ayon na rin sa desisyon ng korte suprema at Department of Agrarian Reform ay kailangan parin itong pagbayaran ng mga magsasaka sa halagang 16php/ square meter na presyo ng lupa na itinalaga ng Stock distribution option noong 1989, ayon na rin sa batas ay maari itong bayaran ng mga magsasaka sa loob ng tatlumpung taon, ito'y isa paring patunay na ang mismong batas ay anti-magsasaka sa dahilang kailangan pa nilang pagbayaran ang ari-ariang sila naman ang lehitimong nagmamay-ari.

Apela naman ng ganid na pamilya aquino at cojuanco ay hindi RAW magiging patas ang desisyon kung ito'y magiging pabor lamang sa mga magsasaka, patunay dito ay sa bibig mismo ng bobong pangulo nagmula na kailangang pagbayaran ng mga magsasaka ang lupang mapapasakamay nila upang hindi naman RAW maging argabyado ang mga kasalukuyang nagpapalakad at humuhuthot sa yaman ng Hacienda na walang iba kundi ang kaniyang pamilya.



"WE SURVIVED EVEN WHEN THEY TOOK EVERYTHING FROM US" Pahayag naman ni Krazy Aquino na tila ba hindi pahuhuli sa mga usaping pananalapi, kapangyarihan at atensiyon ng pamilya, isang buhay na katunayan na nasa dugo na nga pamilya cojuanco ang pagiging mapang-angkin, na kahit ang lupang kinamkam lamang ay nagiging ugat ng sama ng loob sa panahong binabawi na ito ng mga magsasakang tunay na nagpayaman at kumalinga.

Asahan po nating patuloy na lalaban at babantayan ng mga mamamayan ang pagsungkit ng mga magsasakang api sa hustisya na matagal nang isinisigaw sa lansangan at piket line,  hinding hindi tayo titigil hagga't hindi nakakamit ang tagumpay.



"at mula ngayo'y hindi na dilaw ang simbolo ng demokrasya, bagkus ay pulang mapagpalaya"

Si Boy Bibo!

Si boy bibo ay hindi simpleng bata, siya ay kakaiba, dapat niyang gawing kakaiba ang kaniyang sarili upang maging kapansin-pansin sa mata ng kaniyang mga propesor at kaklase, kailangan niyang manguna, kailangang lamang siya sa lahat ng bagay, sa quiz, sa midterm o recitation, dapat hindi magkaroon ng pagkakataong makasagot ang kaniyang mga kaklase sa kapag nagtatanong si sir o ma'am, nung nakaraan nga ay nakasabay ko siya sa banyo, eh matangkad ako, akalain mong itinikwas pa ang putotoy para lang mas mataas ang ihi niya, hinayaan ko na lang, matalino eh!


Si boy bibo ay ipinanganak na aktibo, handa siyang paalipin sa lahat ng kapitalista na nagtatakda ng kung ano ang magaling at hindi, at siyempre, kung sino ang mas kapaki-pakinabang at mauuto nila ay siyang pinakamagaling sa isang pulutong ng mga mag-aaral, marami kang dapat gawin upang hirangin kang boy bibo, kailangan mong dalawin ng mas madalas ang opisina ng mga nakaluklok sa kapangyarihan, aba siyempre, kailangan mong magpalakas, kailangan mo silang ipagtimpla ng kape, ibili ng pagkain sa mamahaling kainan, punasan ang pwet kapag bagong tae at alugin ang etits pagkatapos umihi,  at kung gusto nila at dapat marunong ka ring mang-aliw, yung tipong kakanrtahan at sasayawan mo sila kapalit ng sunod-sunod na palakpak with matching "yeheey"!

Maraming requirements para maging boy bibo ka, kailangan malakas ang boses mo at makapal ang mukha, dapat ring hindi ka sumusuway sa utos ng iyong mga guro, at kahit hindi nila inuutos ay dapat mong buhatin ang bag nila kapag dumadaan sila sa pasilyo ng inyong paaralan.

Bakit nga ba nagpapakabibo si boy bibo? 


Ito ay dahil gusto niya ng mataas na marka o di kaya'y tumakbo bilang pinakabibong bata sa paaralan at matg-uwi ng medalya o sertipikong nagpapatunay na siya ay miyembro ng samahan ng mga ginawang katulong ng paaralab, noong elementarya, ang batang pinaka-inuutusan ng kaniyang guro ay siyang pinakabibo at pinakamatalino, kung sino ang pinalista ng "noisy" sa harap ng pisara habang nagbebenta ng tocino sa mga nanay ang kanilang teacher, o kaya'y pinasusulat kung sino ang mga tumatayo habang wala pa si ma'am.

Si boy bibo rin ang madalas na taga-check ng test papers o quiz kapag tinatamad si ma'am o sir, siya na rin ang nagrerecord at gumagawa ng lesson plan (biro lang), tunay nga namang napakagaling ni boy bibo!

sa bawat araw na uuwi si boy bibo ay napakasaya niya dahil inalila nanaman siya ng kaniyang magaling na guro, pareho nga naman silang magaling kaya wala tayong dapat ipangamba

sa huli, kapag tapos nang makapag-aral, nakapagtrabaho at naging presidente pa ng Pilipinas si Boy bibo, kanino naman kaya siya paalila?

tatawagin pa ba siyang boy bibo? o baka naman mapagtanto niyang siya si

Batang bobo?