“Happy Monthsary Hun”
“Monthsary naming ngayon, at meron na kaming plano na nakalatag para sa araw na ito. Pumunta at maglakad-lakad sa isang mall habang HHWWPSSP. Kumain sa isang food court kasama ang mga paborito naming kainin at maglakad pa na madami hanggang sa matapos ang araw na ito na mag kasama kami.”
Ang monthsary ay “date to celebrate” ng mga magkasintahan. Ito yung mismo o payak na araw na nagkasundo ang isang lalaki at babae na “maging sila” o ‘yong araw na naging “official” ang kanilang relasyon. Karaniwan hindi importante kung engrande o simple ang magiging araw na ito sa dalawang nagmamahalan o kung may regalo man o wala, dahil ang mahalaga ay magkasama silang dalawa.
Andito ‘yong mga “cheesy moments” katulad ng:
*ilang araw bago ang monthsary, may mga plano na kayong naiisip o napagkasunduan.
(pwede din naman na isa lang ang nagplano kasi susurpresahin n’ya ‘yong isa.)
*bago ang mismong araw, dalawa mismo kayong hindi matutulog agad kasi sasalubungin n’yo ang alas dose ng madaling araw sabay babati ng “happy __th monthsary!!” sabay pahaging ng “I love you!!”
*pagkagising syempre batian pa din. Matatapos lang ang batian at palitang ng mga matatamis na salita kapag nakapagkita na kayo. (sa school, trabaho, park, mall, bahay nyo...etc.)
*kung saan man ang date n’yo, malamang ay mamamasyal muna kayo, kakain sa napagksunduang food outlet, manunuod ng sine (love story, horror, action, fantasy…etc.), maglalakad ulit.
(pwede din mag-celebrate sa bahay, magluto ng kakainin, manuod ng pelikula sa DVD.)
*sa pag-uwi, ihahatid ni lalaki si babae, sabay halik at yakap.
Kung tutuusin napaka-bilis lamang ng isang araw kapag ganito ka-sweet ang mga moments ng nagdiriwang ng kanilang mga monthsary pero ayos lang iyon kasi may susunod pang buwan upang i-celebrate ito hanggang ipagdiwang n’yo naman ang inyong anniversary.
Para sa akin at kay Elcid (boyfriend ko), hindi mahalaga kung may plano, regalo o handa, mainam kasi sa aming dalawa na kahit paano ay mabati namin ang isa’t isa ng taos ang kahulugan, tipong hindi salita lang na dadaan at magkasama sa araw na iyon, sa simpleng paraan ay maari nang maging isang araw ito na hindi n’yo pareho malilimutan.
fishball, softdrink at magandang kwentuhan nga lang, pwede ng maging masaya basta kasama mo s’ya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento